bosesmo universal health care duterte signed

Universal Health Care ganap ng batas matapos pirmahan ni Pangulong Duterte

loading...

Isa nang batas ang Universal Healthcare Act dahil napirmahan na ito ni Pangulong Duterte noong Miyerkules, February 20, 2020.

Ibig sabihin nito ay lahat ng Filipino citizens ay automatic ng enrolled sa National Health Insurance Program. Maliban sa pagiging automatic member ng Philhealth ay maa-avail rin ang libreng medical consultations at laboratory tests.

Kabilang sa mga ipapatupad sa mga susunod na araw, bilang bahagi ng batas na ito, ay ang pag-designate sa Philhealth bilang national purchaser for health good and services tulad ng gamot, pag-improve ng medical facilities lalu na sa mga lugar na mas kailangan ito, pagpupuno ng mga medical workers sa mga areas na kulang nito, at iba pa.

Ayon kay Presidential spokesperson Sal Panelo, ang mga pagbabago sa UHC law ay unti-unting gagawin lalu’t hindi pa naisasabatas ang dagdag na pagpataw ng tax sa mga sigarilyo.

Bahagi na umano ng adbokasiya ng gobyerno ang otomatikong tulong kahit hindi mag-apply, pumila o humingi ang mga mamamayan.

Ito umano ang programang nakapaloob sa nilagdaang Universal Health Care Law ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng hapon sa Malacanang, kasabay ng iba pang batas.

Ayon sa chief executive, sa bagong health care program, magiging covered na ang lahat ng mamamayan, lalo na ang mahihirap, kahit wala pa silang hawak na PhilHealth card.

Maliban sa pagpapagamot, sakop na rin nito ang konsultasyon at ang ibang karamdaman na dating binabayaran ng bukod ng mga pasyente.

SHARE kung natutuwa ka sa balitang ito!