bosesmo duterte drilon

Sen. Drilon, isa sa suspects ni PDu30 sa lopsided contract ng Maynilad at Manila Water

loading...

Sinabihan umano ni Senator Franklin Drilon si Pangulong Duterte na mag-ingat at dahan-dahan sa pag-review ng kontrata ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water dahil baka mas lalu daw magbayad ang gobyerno ng billions sa nasabing dalawang kumpanya.

Dahil dito ay naghinala tuloy ang Pangulong Duterte na baka may kinalaman si Senator Drilon sa controbersyal na kontrata na kung saan ay dehado ang gobyerno.

Tinatanong ng Pangulo si Senator Drilon kung kasama ba daw ang senador sa gumawa ng kontratang ito na nilagdaan noong 1997 sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

“I distinctly recall that Drilon said something. ‘Presidente Duterte, do not tinker with that contract because we will end up paying so many billions of pesos’. Senator Drilon, are you one of those who crafted the contract? I’m asking you”, tanong ni Pangulong Duterte sa panahon ng oath-taking ceremony ng mga newly-appointed government officials sa MalacaƱang.

Dapat umanong linawin ni Senator Drilon sa bayan kung ang pinasok na kontrata ng gobyerno noon sa Maynilad at Manila Water ay para sa ikabubuti ng bayan.

“I’m ready to go down. I’m not trying to scare you but if I go down, I will drag you down. I’m not afraid. I’m not challenging you. Just tell the people the truth. You read the contract aloud and say if it is good for the people”, dagdag ng Pangulo.

Nagalit ang Pangulo sa kontrata sa pagitan ng Maynilad at Manila Water dahil sobrang dehado umano ng gobyerno. Pinagbantaan ng Pangulo ang dalawang kumpanya na hindi nila makukuha ang pera na kanilang hinahangad at sa halip ay magiging mahirap ang kanilang dadanasin.

Inatasan na ng Pangulo ang mga legal minds ng gobyerno na sampahan ng karampatang criminal, civil, at administrative charges ang mga involved sa lopsided na kontrata. Hindi rin dapat palampasin ang mga may-ari ng kumpanya at kanilang mga legal counsels, mga ahented, at mga lawyers ng gobyerno na umudyok na pasukin ang kontrata.

Naniniwala ba kayong kasama si Senator Drilon sa dapat kasuhan rin? Ano po masasabi nyo?