bosesmo 74 year old lumalaban para sa bayan

Parang hindi siya [P.Duterte] napapagod, patuloy na lumalaban para sa bayan

loading...

Sa ibaba ay mababasa ang saloobin ni Noel Landero Salifa patungkol sa walang humpay na pagtatrabaho ni Pangulong Duterte para sa ikabubuti ng bansang Pilipinas.

Ayon kay Noel, hindi alintana sa Pangulo ang kanyang kalusugan at katandaan mapaglingkuran lamang ang bayan. Sa panahon ng crisis tulad ng sa COVID-19 at iba pang kinahaharap ng bayan ay mas lalung kailangan ng bansa ang Pangulong Duterte, dahil dito ay mas kailangan rin ng Pangulo ang ating suporta at mga panalangin.

Narito ang kabuuan ng kanyang post sa kanyang Facebook page.

Sa pagpasok ng taon, andaming problema ang kinaharap ng bansa, pagsabog ng Bulkan, pagkalat ng sakit, walang humpay na pakikipaglaban sa kriminalidad, kurapsyon, droga at oligarch.

Isang tao ang inaasahan ng lahat na magbibigay ng solusyon sa suliranin ng bansa, ang ating Pangulo.

A 74 year old man, who barely sleeps, who barely rest, who barely take a day off, parang hindi napapagod, patuloy na lumalaban. Wala pa akong nakitang 74 years old na kinakaya ang mga nagagawa ng ating pangulo. He exhausted himself so much para solusyunan lahat ng suliranin ng ating bansa, pero sa iba wala silang nakikita, wala silang nararamdaman.

Nabibigyan nya tayo ng mga kalsada, tulay, tren, magagandang batas na pakikinabangan at napapakinabangan ng taumbayan.

Naibalik nya na sa taumbayan ang ating mga kalsada na dati ang mga naghahari ay mandurukot, mga adik at mga pulis na tiwali.

Ang mga taumbayan na dati takot magsalita laban sa kalaban at mapang-api ay may lakas ng loob ng magsabi ng kanilang hinaing dahil alam nilang meron silang kakampi.

Pero sa ngayon, may mga tumutuligsa pa rin sa kanya, subalit alam kung mas marami ang nagmamahal. Sana mga kababayan sa pagkakataong mayroon tayong pangulong masasandalan at tumutugon sa ating pangagailangan, maging kaisa tayo ng gobyerno, ng pangulo sa pagsalba sa ating bayan sa mga suliraning hinaharap dahil balang araw kapag wala na ang Presidente, itaga mo sa bato sasambitin mo to ” Kung nandito lang sana si Duterte hindi sana to mangyayari.”

Salamat, Noel Landero Sarifa, sa’yong malasakit sa Pangulo at hangad na pagkakaisa ng mga mamamayan lalu na ngayong may pandemic na ikinahaharap ang bansa at ang buong mundo.

Sa panahon ng crisis, maging kaisa tayo ng Pangulo at gobyerno, para sa ikabubuti natin ito.

Suportado mo pa rin ba ang ating Pangulo?