bosesmo duterte katigbak lopez

Tanging si Pangulong Duterte lamang ang may tapang na banggain ang mga oligarchs

loading...

Inamin ni ABS-CBN CEO Carlo Lopez Katigbak ang pagkakamali ng nasabing kumpanya kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng isang live TV broadcast.

Ayon kay Katigbak ay handa silang ayusin ang anumang pagkakamali ng kanilang kumpanya hindi lamang kay Pangulong Duterte kundi na rin sa mga naapektuhan pa.

“Kami po ay hindi perpekto. Nagkakamali din po handa po naming itama ang anumang pagkukulang para sa lalo pang ikabubuti ng aming serbisyo sa Pilipino,” ayon sa pahayag ni Katigbak.

Inakusahan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN na bias pabor sa ibang kandidato ngunit laban naman sa kanya noong nakaraang presidential elections.

Mangyari kasi ay may ilang political ads ang kampo ni Pangulong Duterte na hindi naipalabas ng ABS-CBN, ngunit ang mapanirang ad o negative political campaign ni Antonio Trillanes IV ay naipalabas sa buong bansa.

Nanganganib na hindi ma-renew ang prangkisa ng giant media network dahil sa mga pangyayaring ito. Ang kontrata ng ABS-CBN upang gumamit ng signal para sa Pilipinas ay mag-e-expire sa buwan ng Mayo taong kasalukuyan.

Inulit ni Katigbak ang kanilang respeto kay Pangulong Duterte.

“Ginagalang namin ang Pangulo. Kinikilala namin ang otoridad ng Kongreso, ng Senado at ang kapagyarihan ng batas. Higit sa lahat, nirerespeto po namin ang saloobin ng bawat Pilipino,” dagdag ni Katigbak.

Tanggap rin ni Katigbak na ang kinabukasan ngayon ng ABS-CBN ay nakasalalay na sa kamay ng mga mambabatas sa Kongreso at umaasang magkakaroon ng positibong resulta sa mga susunod na sessions.

“Nagtitiwala po kami sa sinabi ninyo na mabibigya tayo ng pagkakataon na ibahagi ang ating kwento at para sagutin ang mga katanungan ng mga mamamayan. Dinarasal namin na makita ninyo ang mga kabutihang naidulot ng ABS-CBN sa bawat pamilyang Pilipino,” ayon kay Katigbak.

Tanging si Pangulong Duterte lamang ang may kakayanang paamuin ang mga bilyonaryong oligarchs sa Pilipinas! Iyan ang tapang ng ating Presidente, nirerespeto ng kahit mayayamang tao!

SHARE kung sang-ayon ka dito!