bosesmo nuclear power plant

Napapanahon na ba na magkaroon ng nuclear power plant sa Pilipinas?

loading...

Marami ang humihimok ngayon kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling tingnan ang possibility ng pagkakaroon ng nuclear power plant sa Pilipinas.

Ito umano ang isa sa maghahatid sa Pilipinas bilang maunlad na bayan.

Ayon kay Atty. Gadon, ang blueprint ng Bataan Nuclear Power Plant ay ginamit sa Korea matapos na maudlot ang pagpapagawa nito sa Pilipinas.

Makikita na ngayon ang resulta ng nasabing nuclear power plant sa bansang Korea. Isa na sila sa mga bansang may sariling brand at tinatangkilik sa buong mundo pagdating sa technology.

Ang Samsung, LG, Hyundai, SK Hynx, KEPCO ay ilan lamang sa kumpanya na nagbibigay ng malaking salapi para sa bansang Korea.

Ipinagawa noon ang Bataan Nuclear Power Plant sa panahon ni dating presidente Ferdinand Marcos. Umabot sa $US 2.3 billion ang nagastos sa pagpapagawa nito ngunit hindi ipinagpatuloy ni dating presidente Cory Aquino ang pag-operate nito dahil daw sa safety issues.

Sa tingin mo ba ay panahon na para magkaroon ng nuclear power plant sa bansa? Ano po masasabi mo?