bosesmo pulis naka tent sa labas ng bahay

Pulis sa labas ng bahay nakatira habang may COVID-19 crisis

loading...

Tunay na kahanga-hanga ang mga pagsasakripisyo ng mga frontliners na lumalaban sa paglaganap ng SARS CoV 2, ang nakakamamatay na virus na naghahatid ng sakit na COVID-19.

Hindi lamang mga doctors at nurses ang masasabi nating nasa frontlines laban sa COVID-19. Kabilang na rin sa kanila ay ang mga kapulisan na nagpapanatili ng peace and order para masigurong lahat ay sumusunod sa self-quarantine at social distancing.

Araw-araw rin silang expose sa maraming tao at kalimitan ay wala silang Personal Protection Equipment (PPE) na ginagamit ng mga healthcare workers. Dahil dito ay malaki rin ang posibilidad na mahawaan rin sila.

Si Lt. Honey Labaro ay kusang nag-quarantine para hindi makahawa sakaling siya ay may dala-dalang SARS Cov 2 virus mula sa kanyang pagganap ng tungkulin.

Makikita sa larawan si Lt. Labaro na kumakain sa labas ng bahay habang nakatingin naman ang kanyang anak na babae mula sa loob. Naglagay na rin ng mesa at tent si Lt. Labaro sa labas ng kanilang bahay.

Photo from Lt Labaro

Kasama si Lt. Labaro sa ipinadala sa Negros Occidental mula Iloilo upang tumulong sa mga police forces doon para tumao sa mga checkpoints.

“I keep distance from my family because I’m afraid I may be a carrier too, so please stay at home so that this pandemic will not last long. Because like you, we also love to go out with our family,” ayon kay Labaro

Hinihimok niya ang iba na manatili sa bahay habang hindi pa natatapos ang crisis dala ng COVID-19 pandemic..

Masakit isipin na sa panahon ngayon ang mga taong tumutulong upang bumalik sa normal ang ating buhay ay hindi magawang mayapos ang kani-kanilang pamilya pagkatapos ng maghapong pagganap sa tungkulin.

Ang iba ay hanggang kaway na lamang o flying kiss, at hindi alam na ito na pala ang mga huling sandali ng kanilang pagkikita ng mga mahal sa buhay.

Patuloy po nating isama sa ating mga panalangin hindi lamang ang mga doktor at nurses kundi mga kapulisan na tumutulong para sa peace and order ng ating lipunan.