Inanunsyo ng gobyerno ang Php 27.1 billion na financial na tulong sa mga sectors na directly maaapektuhan at lumalaban sa paglaganap ng COVID-19.
Ayon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang package ay pangunahing ibibigay sa mga frontliners at itutulong bilang economic relief sa mga tao at bahagi ng lipunan na directly apektado ng COVID-19.
Narito ang breakdown ng mga tatanggap ng tulong mula sa gobyerno:
- Php14 billion para sa Tourism Programs and Projects
- Php3.1 billion para sa COVID-19 Test Kits
- Php2 billion para sa Social Protection Program
- Php1.2 billion para sa Unemployment Benefits
- Php3 billion para sa Scholarship Programs
- Php2.8 billion para sa Survival and Recovery Aid Program
- Php1 billion para sa MSMEs Microfinancing Special Loan Package
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, chairman ng Cabinet’s Economic Development Cluster (EDC) ni Pangulong Duterte, ang nasabing hakbang ay ginawa para masigurong may sapat na pondo para sa Department of Health (DOH) na siyang direktang ahensiya ng gobyerno na hands-on sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Kasama na rin ang pagbigay ng economic relief para sa mga businesses at livelihoods na maaapektuhan ng paglaganap ng COVID-19.

Ano po ang masasabi mo dito?