bosesmo cpp npa joma sison menor de edad

CPP-NPA pinagsabihang itigil na ang pag-exploit sa menor de edad at kababaihan

loading...

Nagsama-sama ang ilang grupo kasama na ang mga magulang ng mga estudyanteng pinaniniwalaang na-recruit ng mga NPA (New Peoples’ Army) upang tuligsain ang CPP-NPA-NDF sa kanilang umano’y pag-sasamantala sa mga kababaihan at kabataan para sa political interest ng nasabing makakaliwang partido.

Ang Members of the League of Parents in the Philippines (LPP), LIga Independencia Filipinas (LIF), League of Youth for Peace Advancement (LYPAD) at ang Hands Off Our Children kasama ang mga magulang na naghihintay pa rin ng pagbabalik ng kanilang mga anak mula sa NPA ay nagkaisang maisapubliko ang kanilang sama ng loob laban sa CPP-NPA-NDF.

Ayon sa grupo ay makatwirang bigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan ngunit hindi sa pamamagitan ng armed struggle na tulad sa ipinaglalaban ng mga NPA.

“Indeed, there’s a need to empower our women, but not through armed struggle being pushed by the terrorist groups,” ayon kay LPP Chairperson Remy Rosadio.

Ang NPA ay isinama sa listahan bilang mga terorista ng mga bansang Estados Unidos, European Union, United Kingdom, Canada, Australia, New Zealand, at Pilipinas.

Tinugligsa ng grupo ang patuloy na pag-eenganyo ng mga NPA sa mga kababaihan, menor de edad, at mga kabataan sa pagsama sa makakaliwang mga gawain at pakikibaka.

“This is not the Filipina culture. They’re not supposed to be involved in armed activities. Our women, specifically young women, have been abused and deceived by the wrong ideologies of the CPP-NPA-NDF,” ayon naman kay LPP member Julius Ursua.

Dagdag pa niya na ang tanging hangarin ng mga magulang na may mga anak na na-recruit ng CPP-NPA ay bumalik ang kanilang buhay sa normal lalu na sa kanilang mga anak.

“A peaceful and substantial mechanism of democracy is the right response to advocate women empowerment, and not through deceptive visions installed by their legal fronts to the minds of the young women.”

Sa parehas ring pagkakataon ay tinuligsa ng grupo ang ilang mga militant at party list groups na umano’y konektado sa CPP-NPA-NDF.

Ayon sa isang magulang na si Relissa Lucena:

“Napakasama nila sa pagtrato nila sa akin bilang babae, bilang ina sa paggamit nila sa aking anak na babae lalo na nung siya ay menor de edad.”

Si Relissa ay ina ni Alicia Jasper na napabalitang na-recruit rin sa NPA.