bosesmo amber folkman filam filipino culture

American mother proud na lumalaki ang mga anak sa kulturang Pinoy

loading...

Hindi problema sa mag-asawang Amerikano na mahubog sa kulturang Filipino ang kanilang mga anak.

Sa tahanan ay kulturang Estados Unidos ay malimit umiral, ngunit sa labas ay nabubuhay ang kanilang mga anak “the Filipino way”.

Si Amber Folkman ay tubong California sa USA ngunit buong puso niya ring niyayakap ang kulturang Filipino. Marami siyang nakikitang magaganda sa kultura ng mga Pinoy na nais niyang matutunan ng kanyang mga anak.

Proud si Amber na makita ang mga kanilang tatlong anak na nag-eenjoy ng buhay Pinoy. Ang tatlong anak ni Amber ay lahat pinanganak sa Manila.

Masasarap na prutas tulad ng mangga at pagkakaroon ng “endless summer” ang isa sa mga nagugustuhan ni Amber sa Pilipinas. Ang summer ay kalimitang nagbibigay ng kakaibang saya at sigla sa tao, kumpara sa malamig at tila matamlay na taglamig.

Hindi rin nakalampas sa binanggit ni Amber ang iba’t-ibang mode of transportation na nararanasan nila sa Pilipinas.

Besides having an endless summer, the best mangoes in the world and the most fun modes of transportation, the Philippines is where my boys have learned valuable life lessons that I hope will guide them through the rest of their lives. We predominantly have an American culture in our home, but outside we embrace everything that is Filipino,” ayon kay Amber na isinulat niya sa kanyang blog na SmartParenting.com.ph.

Ngunit higit sa lahat ang pagpapahalaga sa pamilya ang isa sa mga ninanais ni Amber na matutunan ng kanyang mga anak hanggang sa paglaki ng mga ito.

Sa tuwing gumagamit ng “kuya o ate” ang kanyang mga anak bilang paggalang sa mga nakakatanda sa kanila ay lubos ang ligaya na dulo’t nito kay Amber.

“A Filipino’s commitment to family and community is incomparable. My heart soars when I hear my sons refer to any adult as ‘Kuya’ or ‘Ate’ — it is so endearing. It has been such a comfort to be enveloped by neighbors, friends, and yayas who treat you as part of their family.”

Malaki raw ang nagagawa ng Filipino values sa kanilang pamilya lalu’t malayo sila sa kanilang mga kamag-anak.

“Since we live so far from our relatives, this has been instrumental in our happiness and growth in Manila. My kids never want for attention because they have a doting ‘tita’ or ‘tito’ waiting to tickle or ‘kurot’ their cheeks at any given moment,” paliwanang ni Amber.

“Where else does an armed security guard joyfully gives kids high fives as they run wildly past him?”

Dahil sa pinagsamang American at Filipino culture ang mabilis na naa-adopt ng kanilang mga anak, tinuturing ni Amber na Fil-Am na ang mga ito.

“We may not have the passport to prove it, but they have the heart of the Filipino, and they are better for it,” dagdag ni Amber.

All photos are from Amber. Check her video below:

Ano masasabi mo dito?