bosesmo featured sanggol herpes

Photo: Hollie Cruickshanks

Sanggol posibleng nakuha ang herpes dahil sa halik

loading...

Ibinahagi ng isang ina ang photos ng kanyang sanggol na halos mapuno ng mga blisters ang mukha at katawan. Pinaniniwalaang nakuha ng kawawang sanggol ang herpes dahil sa skin contact tulad ng paghalik sa bata.

Ang images ay nagpapaalala sa atin kung bakit hindi natin hinahayaang basta na lamang hinahawakan ang ating mga sanggol o kahit ito ay toddler na.

Itinakbo sa hospital ang anim na buwang sanggol na si Oarlah matapos lumabas ang mapupulang blisters sa kanyang mukha at katawan noong nakaraang taon.

Hindi lamang sa katawan, leeg, at mukha ngunit maging sa mata ay umabot rin ang mga blisters. Pinangangambahan noon ng mga magulang ni Oarlah at ng doktor na tumingin sa kanya na maaaring ikabulag niya ito.

Kahit pa man umabiso na si Hollie Cruickshanks, ina ni Oarlah, na bawal halikan ang kanyang sanggol ay nangyari pa rin ang ayaw niyang mangyari sa kanyang munting anghel.

“When I saw those, I was filled with horror. I knew she could be blinded because of it. The thought of her losing her sight was just devastating,” ayon kay Hollie.

Mabuti na lamang ay naagapan ang paggagamot kay Oarlah at gumaling rin ito mula sa nasabing disease. Ayon rin sa mga sumunod na tests ay hindi naapektuhan ang eyesight ni Oarlah.

Ang herpes ay isang sakit na mabilis makahawa sa pamamagitan ng physical contact tulad ng paghalik o pagtatalik. Ayon sa mga doctor ni Oarlah ay maaari rin nakuha ng sanggol ang sakit dahil sa simpleng pagdikit lamang ng kanyang balat sa ibang tao.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw ni Hollie na may hahalik sa kanyang sanggol.

“I was horrified. People thought I was paranoid when I said I didn’t want anyone kissing Oarlah but I’d seen what it could do. I couldn’t help myself and I kissed her on the forehead when she was born, but then I banned all her visitors from kissing her,” dagdag pa ni Hollie.

Bagaman fully recovered na si Oarlah ay hindi pa rin inaalis ni Hollie ang pag-ban sa paghalik sa kanyang sanggol. Maigi na raw ang nag-iingat at kutyain kaysa mahirapan muli ang kanyang anak.

Sana ay magsilbing lesson ito hindi lamang sa mga may anak na sanggol o toddlers kundi na rin sa mga bumibisita sa kanila. Gaano man ka-cute ang bata ay isipin lagi ang daranasin nito kung sakaling makakuha ng sakit dahil sa paghawak o paghalik dito.

Papayagan mo ba ang mga kamag-anak mo o mga kaibigan na mahalikan ang iyong sanggol?