bosesmo restaurant owener nabigyan ng leksyon

Kahera naturuan ng leksyon ng customer dahil sa pagtaboy ng pagkain ng matanda

loading...

Makikita sa video ang isang lalakeng customer ng restaurant na nagalit sa inakto ng lalakeng nasa kahera.

Humihingi kasi ng tulong ang isang matandang street sweeper para painitin sa oven ang kanyang pagkain ngunit hindi ito pinagbigyan ng kahera.

Mataas pa ang boses ng kahera at idinahilan nitong tataas pa ang kanyang bill sa kuryente kung pagbibigyan ang hiling ng matanda.

Habang pinagsasalitaan ng hindi maganda ang matandang street sweeper ay nagawa pa nitong itaboy ang pagkain ng matanda.

Dito na tumayo ang lalakeng customer at pinagsabihan ang kahera. Hindi alam ng kahera na matagal ng nagmamasid ang kanyang mga customers at nakukuhan pa ng video ang pagmamamaltrato niya sa matanda.

Galit na hiniling ng customer na painitin rin ang kanyang pagkain dahil ito ay malamig na. Sang-ayon naman ang kahera na gawin ito dahil ang lalake ay nagbayad ng kanyang pagkain.

Dagdag ng customer na isamang painitin rin ang pagkain ng matanda. Hindi sang-ayon dito ang kahera sa dahilang hindi naman raw sa kanya binili ang pagkain ng matanda.

“You pay for the food but she doesn’t. Why will I serve her?” sagot ng kahera sa customer.

Hindi makapaniwala ang lalakeng customer sa attitude ng kahera kaya sinermonan niya ito. Ipinaalala ng customer na hindi dapat na tinapon ng kahera ang pagkain ng matanda kung ayaw niyang pagbigyan ang kahilingan nito.

“Why did you throw off her steamed buns? Did you know that these two steamed buns are her meal after a day of working hard!”

Dito ay parang natauhan na ang kahera at sinabing “I get it”.

Hindi pa tapos ang lalakeng customer at ipinaliwanag sa kahera ang kahalagahan ng mga street sweepers.

“If there’s no cleaner who will clean your garbage?”

Nakuha ng lalakeng customer ang mentality ng kahera: na ang paglilingkod sa kapwa ay mangyayari lamang kung bibili sa kanya ng pagkain. Mahirap talaga kapag puro income ang nasa isip ng isang business owner.

Dahil dito ay umorder ulit ng pagkain ang lalakeng customer para ibigay sa matanda. Pero pinagdiinan niyang magbabayad siya sabay bagsak ng pera sa kahera.

Nakakalungkot na nangyayari talaga ito sa ating mundo. Marami ay pera at income lang lagi nasa isip.. nawala na ang tamang pagtrato sa kapwa.ctto

Posted by Pwersa ng Bagong Pilipinas on Thursday, March 26, 2020

“I will pay you! Is that enough?”

Pinaalalahanan ng customer na ang pagkakaroon ng business ay hindi laging pagsasaala-ala ng mga bills na babayaran at pagpasok ng income. Dapat ay may pagkakawang gawa rin.

“If you are cold as stone your restaurant won’t be standing for long.”

Matapos ang panenermon ng customer sa kahera ay lumuhod naman ang matanda para magpasalamat, ngunit piniligan ito ng customer. Hiniling pa ng customer sa matanda na samahan sila sa upuan para kumain.

Nakakalungkot na may mga tao talagang tila walang puso sa kapakanan ng iba. Minsan dahil sa pressure ng mga bayarin at konting pasok ng pera ay nagiging matigas ang puso natin para sa mga naghihikahos rin.

Nawa ang video na ito ay magsilbing paaalala sa atin na ang pinakamahalaga sa lahat ay ang puso para sa kapwa. Ang income at ibang pagpapala ay darating lamang lalu na’t mabuti ang ating kalooban.