bosesmo dry ice death pool party

3 Patay matapos gumamit ng dry ice sa isang IG Influencer party

loading...

Tatlo ang patay sa Russia matapos ang paggamit ng dry ice sa isang party para sa isang Instagram Influencer doon.

Pito naman sa mga party goers ang nasa intensive care at inaasahang malalayo sa peligro.

Ayon sa Moscow Times, bahagi ng masayang celebration sana ni Ekaterina Didenko ang nasabing event para sa kanyang ika-29 kaarawan. Sa kasamaang palad ay nauwi ito sa isang trahedya para sa tatlo niyang kaibigan.

Habang nagpaparty at papasok sa isang pool ang kanyang mga kaibigan ay binuhos naman sa pool ni Valentin Didenko, asawa ni Ekaterina, ang halos 25 kilogram na dry ice. Inaakala ng marami na ito ay magbibigay ng kakaibang visual effects sa nasabing party.

video by MC24

Ang dry ice ay isang frozen na carbon dioxide (CO2), isang lason sa katawan. Kapag nailagay sa room temperature at tubig ay gumagawa ito ng puting usok o fog effect.

Malimit itong ginagamit para mag-create ng white smoke effect sa mga pelikula o photography events. Ito rin ang ginagamit at inilalagay sa loob ng cake box at palibot ng cake upang hindi agad matunaw.

Dahil isang lason ay delikado ito lalu’t walang sapat na precautions at kaalaman sa paggamit. Hindi rin advisable ang labis na paggamit nito lalu na’t nasa loob ng saradong silid.

Ayon sa ulat ay marami sa mga partygoers ang nanlambot agad-agad matapos mailagay ang dry ice sa pool. Ilang saglit pa ay binawian na ng buhay sina Natalia Monakova at Yuri Alferov, kapwa 25 years old.

Sinugod naman sa hospital sina Valentin, ang naglagay ng dry ice sa pool, at iba pa dahil sa carbon dioxide poisoning at ilang paso sa katawan. Kinalaunan ay hindi na rin naka-recover si Valentin at tuluyan na itong binawian ng buhay.

Ang dry ice ay hindi dapat hinahawakan ng basta-basta na lamang dahil ito ay nakakasunog ng balat. Mas maigi na gumamit ng tongs o gloves kung kailangan.

Ang hangin na safe sa katawan ay kalimitang may 78% nitrogen, 21% oxygen, at 0.035% carbon dioxide. Nagiging delikado ito kapag ang level ng CO2 ay umabot sa 0.5%.

Huwag magpasikat gamit ang dry ice. Huwag langhapin, o ilagay sa dila, o lunukin, o hawakan ang dry ice.

Huwag ring kalimutang i-SHARE sa mga kaibigan at kamag-anak ang tungkol sa dry ice at peligrong maaaring idulot nito habang hindi pa huli ang lahat.